Monday, November 7, 2011

Crush


            Sabi nila abnormal daw kapag walang crush. Oo naisip ko nga, kasi di ba halos lahat naman ng tao me crush, kahit nga ata lola mo crush si Piolo o kaya si John Lloyd eh. At aminin natin, walang taong hindi kinikilig kapag nakikita ang crush nya, (ewan ko na lang kung manhid ka).
            BTW,(oh sa mga hindi nakakaalam nyan i-google na lang..) ito ang istorya ko at ng napakadaming experiences ko about sa salitang “crush”.


Ano nga ba ang Crush?

1.      Ayon sa google, ang crush daw eh, the act of crushing. naloka naman ako dun, tinatanong ko nga kung anu yung crush di ba? Tapos isasagot mo yang act of crushing na yan..haha..siyempre mali pala yung nakita kong meaning..ito pala dapat..... -> TEMPORARY LOVE.
2.      Ang sabi ko naman, ang crush eh yung tipong kikiligin ka na agad marinig mo palang yung salitang yan tapos may isang tao na bigla na lang papasok sa isip mo.
3.      Ang sabi naman ng lolo ko, ayaw na ayaw nya daw maririnig yan lalo na pag inuulit sa mga crush crush yung apo nya, ang bata bata pa daw kasi, ewan ko ba sa lolo ko, ang bitter bitter.
4.      Ayon naman sa isa kong friend, na itago na lang natin sa pangalang ITANG, ang crush daw ay isang feeling na masaya, nakakakilig, nakakainspire at nakakaganda ng araw, madalas itong mapagkamalang love, ang pinagkaiba lang ng crush hindi daw ito nakakasawa..parang sa baby Lou (pangalan ng crush nya syempre)
5.      Ang sabi naman ng mga tao sa kanto, ang crush eh yung maganda na lagi naming tinatawag kapag dumadaan, yung ang pangalan eh “Nikki” nakakainis nga kasi hindi man lang kami pansinin pero crush pa rin namin sya..haha (salamat sa mga fans ko ^_^)
6.      Sabi naman ng mga estudyanteng nag-aadik sa thesis, ang crush daw ay parang paghingi ng freedom..ito yung feeling na napakaluwag sa pakiramdam kasi wala ka ng iintindihin pang iba kundi exams na lang..nagtaka naman ako? Ok pa kaya tong mga studyanteng to? o running for mental disturbances na at pwede ng dalhin sa NCMH (National Center for Mental Health? Meaning ng crush yung tinatanong ko..haler???!!! palong palo ang mga atih!
7.      Ang sabi naman ni Budoy..ang crush daw eh…..
.
.
.
BE happy Be Budoy!! J
(okay! Hayaan na lang natin si Budoy)


Sino ang Crush mo?

            Halos lahat ng kabataan ngkakacrush, at pinakamadami at talamak talaga yan lalo na sa mga high school students. Bakit kaya? Mga kiri!..jowk..haha..ewan ko rin, ganun din naman ako nung high school, sandamakmak ang mga crush, ewan ko ba sa sarili ko, imbis na magkaron ako ng collection ng bags, shoes, jewelries at kung anu anu pa eh wala na kong ibang kinolekta kundi information tungkol sa crush ko, chika dito chika dun malaman ko lang kung anung update about sa kanya.

            Okay so much for that, sino ba talaga ang crush mo?
Yung tipong nakatalikod pa lang ulam na? (yummy!! Coco Martin)
yung tipong lalo na pag humarap pa
tas ngingiti sa ‘yo, labas ang biloy
kumikislap kislap ang mata (alien kya?)
lalapit sa yo habang nililipad ng hangin ang kanyang buhok
(kahit anong klaseng buhok pa yan, two-wings, one wing, Rizal style, emo style, panot, ermitanyo, buhok sa ilong, buhok sa kilikili at buhok sa anu…sa anu..dun sa….Ilong)
at sympre lalampasan ka lang…
wag kayong mag-alala, ganyan talaga karamihan ang mga crush, yung tipong suplado at hindi ka kilala, pero minsan talagang hindi ka nila kilala, pwera na lang kung ipapaalam mo sa mga kaibigan mo at automatic kinabukasan alam na ng crush mo na crush mo sya..Pano ko nalaman? Simple lang kasi nangyari na din sakin yan!
            “Naalala ko tuloy nung high school ako, isa sa mga pinakamasaklap na parte ng buhay pag ibig ko eh ng mag ka crush ako sa isang guy na itago na lang natin sa pangalang BURNIK. Ka-batch ko si Burnik, araw araw ko siyang nakikita sa school at sympre kinikilig naman ako. Isang araw sinabi ko sa mga friends ko na crush ko na talaga si Burnik at tiwalang tiwala naman ako na hindi nila yun ipagsasabi, hanggang dumating ang kinabukasan na tinatawag na ng mga friends ko ang pangalan ko tuwing dadaan si Burnik! Oh My!! Hiyang hiya talaga ako..wala na talaga akong mukhang maiharap kasi naman lagi na nila akong inulit.. and then, one time nagpasama ako sa mga friends ko papunta sa C.R.”
Nikki: “Uy Jen, samahan mo naman ako sa C.R.”
Jen: “cge ba..”
Nakita naming si Burnik nasa may hagdanan malapit sa C.R.
At ang walang hiya ko namang kaibigan na si Jen ay hindi na tumigil ng ka-uulit sa akin kay Burnik..
Hanggang sa marinig ko ang mga katagang binitiwan ni Burnik…
Burnik: “Tumigil ka na, may girlfriend na ko”……….
Natulala tuloy ako..hindi ko magawang umiyak kasi nahihiya naman ako..
Umalis na lang ako, buti hindi ako nagkasakit sa bato ng mga panahong yun kasi hindi na ako natuloy sa pagpasok ko sa CR, pero nagkasakit naman ako sa puso kasi nga sawi ang magandang si Nikki.

Oh yan..back to the ball game tayo, naikwento ko na sa inyo kung ano ang nangyari nang pinagsabi ko sa mga kaibigan ko kung sino ang crush ko at nasawi ako, pero hindi naman kasi natin kayang itago lahat ng nararamdaman natin kaya mas maganda pa rin na may napapagsabihan tayo, at aminin natin, masaya talaga kapag inuulit ka sa crush mo..ayiiiiieee J
Nung high school ako, madami din akong crush na artista, at eto pa ang nakakatawa, kilala nyo ba si Kean Cipriano? Ung Ex ko? June 11 kasi ang birthday nya eh, eh nung high school ako saktong me padala si mama na stuff toy sakin na aso at ang ipinangalan ko sa kanya ay Kean at tuwing June 11 nagcecelebrate kami ng birthday nya..astig di ba? Minsan tumatakbo pa talaga ako sa kanto para bumili ng chocolate at kandila, para magparty party kami ng labidudz ko..(ang weird ko di ba?)
May naalala naman ako sa pagtakbo ko sa kanto, dati kasi may crush ako na katext ko, kahit 11:00 na ng gabi eh talagang todo effort ako sa pagtakbo sa kanto para lang makapagload dahil nagtext na sya, at punyeta naman oh pag magrereply na ko sa kanya saktong mag ggm siya
“Good night mga repapipz…
next time na lng let txt txt
la na ako load ee…”
Sinong hindi mauunsyami (maiirita) sa ganung pangyayari?
Okay, balik tayo sa mga crush na artista, may crush kasi ako ngayon, isa siyang Taiwanese, ayoko sanang i-mention yung pangalan nya kasi baka agawin mo pa, eh jan tayo magkakagulo, at talagang jan maghihiwalay ang balat sa tinalupan.
Siya si Jay Chou, lahat na lang ata ng hinahanap ko sa lalaki eh nasa kanya na, at syempre wala naman akong magagawa kasi langit siya at universe naman ako, hindi kami bagay di ba?..kainis! so, ganito na nga.. crush ko siya, tapos todo post ako sa facebook ng “I love Jay Chou, I love everything about him..chukchak chenez”..then, umalis ako saglit at nagpuntang palengke, pagbalik ko sa bahay nag facebook agad ako kahit amoy isda pa ang kamay ko..nanlaki talaga yung mata ko ng may makita akong friend request na pangalan nya, tapos sabay sbi ko din ng “letse” kasi poser lang pala at ang pangalan nya eh “Kupig Jay Chou”. So ayun inaccept ko naman sya. Ewan ko ba naman sa sarili ko at sa napakasimpleng bagay eh tuwang tuwa na ako.


Crushing Syndrome

Ngumingiti ka ba ng walang dahilan?
Feeling mo ba ang ganda mo? (feelingera ka na nun)
Pakiramdam mo ba ang saya saya mo lagi?
Nag-iintay ka lagi ng txt?
Nagsusurf sa net araw araw para maging updated sa kanya?
Natutulog ka ba ng nakangiti? (kakaiba ka teh!)
Gigising ka pa rin ng nakangiti? (pa-ospital ka na teh!)
Pakiramdam mo ba may dumadagundong sa dibdib o tyan mo pagnakikita mo sya?
Kalampag ka ba kapag nagtext sya?
Hindi ba kompleto ang araw mo kapag hindi mo nakita ang kahit isang marka ng pagkatao nya?
Nagtatae ka ba? (sakit na ata to, hindi po ito kasama)

…………yan ang mga senyales na crush mo siya! J
            Lahat ng ito siguradong naramdaman at napagdaanan mo na. Kahit naman siguro yung pinaka nerd na kaklase mo nagkacrush din noh! Pero kapag mas lumala dito ang mga sintomas baka nasa ibang stage ka na..baka hindi mo namamalayan mahal mo na pala..
May naalala na naman akong kwento dito…

            “Nung elementary ako, may isang batang lagi na lang inuulit sa akin, kahit ng buong pamilya ko, at syempre bitter ang lolo ko sa ganito.
 Naging kaklase ko siya simula grade 1 ako hanggang sa makagraduate ako ng grade 6. Simula bata kami crush na crush ko na siya at pakiramdam ko naman ay ganun din siya sakin. (aba ang taray ng lola mo). Hanggang sa lagi na lang kaming ginagawang partners at isinasali sa mga contest, sino ba naman ako para humindi di ba, choosy pa?J Tapos naging sweet kami sa isa’t isa, pero minsan bitter din. Alam nyo kung bakit bitter? Eh kasi naman, dati, sobrang nainis siguro siya sakin kasi inuulit ko siya, ayun binato ba naman ako ng bato, syete oh..bukol tuloy ung ulo ko! Pero after nun mama nya naman yung nagintindi sa akin at nag sorry naman siya.
Nalimutan kong banggitin ang bansag sa kanya, siya si PUGO. Kaya pugo ang tawag sa kanya eh gawa daw nung buhok nya at nung last time na nag update ako ng facebook nya eh hindi na pugo ang gupit nya, bokals na..haha! Ayun, masaya ako kapag nakikita ko siya, lagi akong nakangiti, minsan nagmumukha na ata akong baliw. Hanggang dumating sa time na graduation na at mag-iiba na kami ng schools na papasukan pagdating ng high school, dun ko na narealize na ang pagkakaron ko sa kanya ng crush pamula grade 1 kami hanggang grade 6 ay naging love na, at siya na nga ang naging first love ko.  

Oh di ba?! May first love na ako! Haha..


Bloopers

            Hindi maiiwasan ang katangahan at kahihiyan pag may crush ka. Yung tipong madudulas ka sa harap ng crush mo o bigla kang mauutot tapos sa iyo sya titingin. Mga simpleng bagay na nakakainsulto pero kapag tapos na at lumipas na ang mahabang panahon at sinubukan mong balikan ay maiisip mo na lang na nakakahiya ka at matatawa kang bigla sa sarili mo.
            Nangyari na din sa aking madulas sa harap ng crush ko, ano pa bang magagawa ko eh nangyari na nga yun, alangan naman sisihin ko yung lupa kung bakit siya basa at madulas? Syempre hindi ko naman pwedeng gawin yun.
Eh paano ka naman magrereact kung ang crush mo ang nadulas sa harap mo?
            “Nung high school ako, bukod kay Burnik, may isa pa akong crush,itago na lang natin siya sa pangalang, Mulmul. Crush na crush ko nun si Mulmul, ang cute cute kasi niya, half german ata siya. Ang hilig hilig noon ni Mulmul maglaro ng sipa, lagi ko nga siyang pinagmamasdan habang naglalaro siya. One time, nagrerecess kami ng barkada ko, saktong naglalaro si Mulmul, hayun tira dito tira don, tapos takbo dito takbo dun, takbo siya ng takbo tapos bigla siyang nadulas ng bongga. Imbis na siya ang mahiya, ako ang nahiya para sa kanya. Hay naku talaga itong si Mulmul, pero crush ko pa din siya kahit putikan na ang damit niya.
            Nang sumunod na araw,naglalaro ulit si Mulmul, nakita ko siya at bigla naman siyang tinawag ng mga kaklase niya kasi may klase na raw sila, saktong naiwan ni Mulmul ang mahiwagang sombrero nya, eto namang isa kong kaibigan, kinuha ang sombrero ni Mulmul at inilagay sa bag ko, nagtaka na lang ako at napapunta na yun dun at ng mahawakan ko ang sombrero ni Mulmul “&^%$%^! Ay inang kupo! Ampagkabaho ga nire!” simula nun…na turn off na ko ke Mulmul, hindi ko na siya crush!

Kabaliwan sa Crush

Anong mga kabaliwan na ang nagawa mo simula ng magkaron ka ng crush? Mapa-artista man o ordinaryong tao lang?
Nangolekta ka ba ng Harry Potter stickers? Books? at cd’s? Eh ng Twilight Books kya? Eh yung mga usong K-POP? Inadd mo na ba lahat ng accounts nila sa facebook at twitter? Eh ung Crazy Little Thing Called Love ni Mario Maurer? Ilang beses mo yung pinanuod masilayan mo lang ang angking kagwapuhan nya?

Sobrang daming gawain pag adik na adik ka sa crush mo ano! Haha..natatawa ako kasi naalala ko si Burnik noon..

Tandang tanda ko pa ang mga pangyayari, naglalaro ng sipa nuon sina Burnik at Mulmul ng biglang tumalsik yung nilalaro nilang sipa sa classroom namin, saktong sa harapan ko yung napapunta at siyempre, sinilid ko na sa bag ko at iningatan ko siya ng matagal na panahon”.

            Bukod sa kalokohang iyan madami pang ibang kabaliwan ang pinag-gagawa ko…
1.      Natuto akong mag edit sa photoshop para lang mapagtabi ko ang picture namin ng mga crush ko.
2.      Nahasa din ang skills ko sa pagtakbo sa tuwing susundan ko ang crush ko.
3.      Naging masipag din ako lalo na sa cleaning activities sa school kasi alam kong pag naglinis ako dun sa may gutter eh dadaan ang crush ko.
4.      Natuto din akong maging maaga lalo na pag flag ceremony kasi alam kong si crush eh andun.
5.      Bumilis ako sa pagtatype sa cellphone, kahit pikit! Pero ngayon nagsasanay ako kasi qwerty ang gamit kong phone ee..(iba na ang sossy!)
6.      Naging matalas din ang pang amoy, paningin, pandama, pandinig at panlasa ko for short ang five sense ko. Inalam ko talaga ang gamit na pabango ng crush ko para alam ko na kung anjan siya sa paligid. (dinaig ko pa si Bantay).  
“Dahil sa number 6 statement may naalala na naman ako, ito ay nung JS Prom namin nung High School, abot langit talaga ang tuwa ko noon kasi nga ……..
………ako Budoy!..joke lang,…
……… kasi nga….sinayaw ako ni Burnik!!!!!...
OO..sinayaw niya ako, kasi hinila siya ng mga kaibigan ko para isayaw ako, oh..choosy pa ba ako? Sympre tumayo na ako! And GAME! Let’s party! Hahaha…nagwagi ang beauty ko nung gabing yun, pero alam nyo bang may hiya din naman ako ano! Kahit na kinakausap ako ni Burnik eh hindi ko nagawang kausapin siya, ewan ko ba, baka kasi bad breath na ko katulad ng kaibigan kong si Itang o baka naman sa sobra atang kilig nawala na yung dila ko, hinahanap ko nga at baka nalaglag na.
      At doon ko din sinimulan ang misyon ko na amoy amoyin siya,hindi para maging aso sa harap nya kundi para malaman ko kung anung klaseng pabango ang gamit nya at kung may anghit ba siya..at napagalaman kong mabango pala si Burnik at hindi siya katulad ni Mulmul..ay naku si Mulmul!
7.      Naging masunurin ako sa mga utos ng magulang ko lalo na kung sa bayan ako inuutusan. (kasi nga, umaasa ako na masisilayan ko sa bayan ang aking crush)
8.      Natuto akong sumamba lagi at umattend sa church activities, para naman kahit saglit makasama ko si crush
9.      Natutuo akong tumae ng nakangiti
10.  Natuto din akong matulog ng madaling araw na kahihintay sa pag oonline ng crush ko.           
11.  Natuto akong mangarap ng gising at tumitig ng hindi kumukurap!!!!                
  Andaming bagay ang natutunan ko simula ng matuto akong kumiri, ay mali, simula ng matuto akong magkacrush.




Bitterment (Pagiging Bitter)

            Hindi talaga maiiwasan na sa pagkakaroon ng crush eh may masawi rin, kung nabasa nyo nga yung unang part eh nasawi ako kay Burnik di ba? Pero hindi mo kailangang dibdibin yun, pwede mong iyakan pero yung process ng pag momove on dapat madali lang. Kung sa stages ng depression dapat ma-skip mo na yung denial, anger, bargaining at depression, dapat nasa acceptance stage ka na agad.
            Alam kong mahirap para sa’yo pero kayanin mo. (drama teh! May pinaghuhugutan?)
            May ginawa nga akong quotes para sa mga bitter sa crush nila..
            “You should know your limitations and you should know when to stop!”
            ..kasi naman, tigilan na natin kung ayaw sa atin, madami pa jan iba noh!!

Eto bagay tong kwento na to sa 'yo! (note: hindi ko to na-experience, swerte mo kung na-experience mo na to!)

"One time nga may nakita akong sapatos, maganda siya kaso nang sinukat ko na ang sakit sa paa kasi ang sikip...

Ang sabi sa akin ng matandang nasa likod ko: "Ipinipilit mo kasi ang sarili mo sa bagay na hindi nilikha para sa'yo kaya ka nasasaktan.." Oh anung say nyo? Taray ni tatay noh!...

Ako nga sampong tao ang pinamimilian ko eh:
1.      John Lloyd Cruz
2.      Jake Gyllenhaal
3.      Jay Chou
4.      JM de Guzman
5.      Xian Lim
6.      Kean Cipriano
7.      Derek Ramsey
8.      Khalil Ramos
9.      Mario Maurer
10.  M_ _  P_ _ _ _

Pero sa kinasamaang palad, dun ako sa pang 10 bumagsak…pero happy na rin.. J





Anu-ano nga ba ang mga pwedeng dahilan kung bakit nagiging bitter ka sa crush mo?
1.      May crush ka, pero hindi ka crush
2.      Ayaw kang itext ng crush mo
3.      May girlfriend na yung crush mo
4.      May kakaiba kang napansin sa crush mo tulad ng:
Mahabang buhok sa kilikili
Matabang tiyan
Laging nangungulangot
Tamad
May tinga sa ngipin
May bulok na ngipin
May kuto
May amoy ang kili kili
May langaw sa pwet
Ututin
At marami pang iba….
5.      Sobrang suplado ng crush mo, yung tipong maaasar ka na kasi kahit ngiti wala man lang
6.      Crush ng crush mo yung friend mo o kaya naman yung kapitbahay nyo.
7.      Ito ang pinakamalupit, txt ka ng txt, chat ka ng chat, nagmumukha ka na ngang papansin sa harap nya, parang wala pa rin siyang reaksyon sa pinaggagagawa mo. Deym!!!! Badtrip! Magpalit ka na ng crush!! Ito yung tipong ginawa mo na lahat, nilunok mo na yung pride mo, sumabit pa nga sa thyroid mo tapos wala din pala!!!!!!...(palong palo ang pagiging bitter)

            Ilan lang ang mga yan sa dahilan kung bakit bitter ka sa crush mo.
Naalala ko tuloy ng minsang nag gm sa txt ang barkada ko: (trivia: hindi lang group message ang meaning ng gm, pwede rin itong “gustong magparinig”)

  Ang sabi nya sa gm nya.. (in the tune of sweet and mild ng Nescafe commercial):
                        Bad morning sa inyo..Bitter na ang kasama nyo..
                        Pait na yong hatid…Umaga ay walang tamis… (bitter kaya ang atih?)..

Hindi ko alam kung paano nya nagagawang lagyan ng kapaitan ang lahat ng bagay..pero hinayaan ko na lang siya..

            Eh papano naman kung baliktarin natin ang sitwasyon? Ikaw naman ang maging bitter sa mga nagkakacrush sa ‘yo? Sige nga..tingnan natin…

Ø  One time, actually hindi pala one time, madaming beses nagchachat sa akin itong isang guy, itago na lang natin siya sa pangalang, Kalamantutay,..
           
First day:
Kalamantutay: Hi
Second day:
Kalamantutay: Hi
Third day:
Kalamantutay: Hi
Fourth day:
Kalamantutay: Hi
Fifth day:
Kalamantutay: Hi

..ewan ko ba, bakit hindi makahalata na ayaw siyang replyan,..todo chat pa rin..

Ø  Isang araw nagchat ulit si Kalamantutay,…

Kalamantutay: Hi
Nikki: yes?
Kalamantutay: Dalawin mo naman ako minsan.. (naisip ko naman, ano ka patay?)
Nikki: sige ba, basta me ipapakain ka eh..
Kalamantutay: ui ano number mo?
Nikki: hindi ako nakikipagtext eh, saka wala ako laging load
Kalamantutay: Ok lang yun…anu na nga number mo? Pwede ba makuha?
Nikki: (nareceive ko naman yung chat nya, ayoko lang talaga ibigay ang number ko)
……..ay, bat ganun? Sira ata chatbox…
Kalamantutay: anu number mo?
Nikki: sira chatbox, sige bye..

Yan..ganyan ang scenario kapag ayoko sa mga nagka ka crush sa akin..wala naman tayong magagawa, at isipin natin na baka ganyan din yung nafefeel nung crush natin sa atin..how sad di ba? Kawawa naman tayo.. L





Ang Pagtatapos

            Alam kong habang buhay hindi na mawawala sa atin ang pagkakaroon ng crush, kahit sa pagtanda natin maiisip at maiisip pa rin natin ito, kasi nga nakatatak na yan sa puso’t isip ng bawat tao, pwede ding sa muscles, tissues at cells mo kung gusto mo.
            Pero tandaan lang natin na masayang magka-crush, pero mas masaya yung humanap ng taong mamahalin ka at mas magmamahal sa ‘yo! CHOZ!! J kasi nga minsan..

hanggang crush lang naman yun..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Bawal mag expect, bawal mag assume, tamang kilig lang ... XD